Florante at Laura
ni Francisco Balagtas

Home

Chapters

Exercises

About Us

Pambungad


Hinihiling ni Balagtas sa mga babasa na lilimiin at nanamnaming mabuti ay tiyak na malalasap ang dulot na sarap kaya�t nararapat lamang na huwag mang husga. Merong mga malalalim na salita na mahirap unawain kung kaya�t kailangan ang pagsangguni sa talababa upang maunawaan ang ibig sabihin. Hinihiling din niya na huwag gumaya kay Sigesmundo na mahilig magbago ng berso kung kaya�t ang tamis ng tula ay nauuwi sa alat.

Paghahandog


Sariwa pa sa ala-ala ni Balagtas ang masaya at lipos ng kalungkutan na sandali ng kanilang lumipas na araw ni Selya. Natatakot si Kiko na baka siya ay nakalimutan na ni Selya dahil siya ay nabilanggo samantalang si Selya ay malaya. Habang nakakulong si Balagtas ay wala siyang nagawa kundi ang pag-iisip niya sa larawan ni Selya na inilimbag niya sa buong pagkatao, sa isip, puso at damdamin. Ang kanilang masayang suyuan ni Selya ay hinding-hindi niya malilimutan. Lagi niyang naiisip ang kaligayahang kanyang nadadama, kapag naaalala niya ang masayang suyuan nila noong siya ay magsing-Irog pa. Sinisisi ni Balagtas ang kanyang sarili kung bakit hindi pa niya itinanan si Selya. Hindi sana ito napasakamay ni Namo. Si Selya ang lagi niyang hinahanap at ang lagi niyang naaalala sa bawat saglit. Dahil ditto, pumintig sa kanyang isipan na sulatin ang Florante at Laura. Si Selya ang kanyang naging inspirasyon at ang kanyang akda ay inihandog niya sa kanyang minamahal.

Kabanata 1


Sa gitna ng isang gubat ay may isang malaking puno ng higera na may malalapad na dahon. Nakatali sa punong ito ang isang binata na may matinding kalungkutang nararanasan. Ang lugar na kinaroroonan niya ay nasa labas ng Reynong Albanya. Madlilim,masukal at halos hindi makapaglagos ang sikat ng araw sa makapal na kadawagan ang kagubatan. Bukod dito, ang gubat ay pinamumugaran ng mababangis na hapyop na handang sumalakay sa kahit anong oras. Karamihan sa mga ito ay ang sierpe, hiena at tigre.

Kabanata 2


Sa loob at labas ng Albanya ay mayroong mga taong may balakyut na pag-iisip, at masamang ugali. Ang gantong klase ng ugali ay siyang inilulklok sa trono o binibigyan ng halaga, samantalang ang mga Gawain makatwiran ay inaalipusta at kinikitil. Ang isang halibawa nito ay si Konde Adolfo. Dahil sa sobrang paghahangad niya sa korona ng Haring Linseo at sa kayamanan ni Duke Briseo ang tagapayo ng hari, ang buong kaharian ay sinasabugan niya ng kasamaan. Nilalason niya ang kaisipan ng mga nasasakupan ng Hari. Dahil sa pangyayaring ito, pati si Florante ay pinag-uusig. Ang nangyari sa Albanya ay nagdudulot ng ibayong sama ng loob kay Florante, lalo na kapag naiisip niya ang ginawa ni Adolfo, pagbikig sa lalamunan o bibig ng mga taong magagaling, paglilibing sa kanila ng walang kabaong. Sa kadusaang kanyang nararanasan, mangani-nganing sisihin ang langit.

Kabanata 3


Nagkaroon ng guni-guni si Florante na si Laura ay nakahilig sa kandungan ni Adolfo. Kapag nakikita niya ang ganoong pangayayai ay halos takasan na siya ng katinuan ng isip. Kahit na ipataw na sakanya ang lahat ng dusang nais ng langit basta ipaparating lamang sa puso ni Laura ang panaka-nakang pag-aalaala sa kanya. Sapagkat nagsumpaan na sila na hindi maglililo ang bawat isa. Dahil kapag sumasagi sa kanyang isip na si Laura ay nasa piling ni Adolfo ay hinihiling nalamang niya na wakasan na ang kanyang buhay upang hindi na niya maramdaman ang sakit sa kanyang puso at kaluluwa.

Kabanata 4


Patuloy na sumasakit ang puso ni Florante sa matinding lungkot na kanyang nararamdaman. Pilit paring naglalaro sa kanyang imahinasyon na si Laura ay nakahilig sa kandungan ni Adolfo. Hindi niya matanggap na si Laura ay maglililo sa kanya. Para kay Florante, hindi bali na ipadama sa kanya ni Adolfo ang lahat ng sakit at kahirapan huwag lamang niya agawin si Laura. Nagpapasalamat siya para sa mga kahirapang bumalot sa kanyang pagkatao, siya ay nagmistulang bangkay at nawalan siya ng malay at tuluyang napayukayok sa punong kanyang kinatatalian.

Kabanata 5


Si Florante ay nakatali parin sa puno ng kalumbayan ng magkataong dumating si Aladin na isang magdirigmang galing sa Persiya. Si Aladin ay umupo sa isang punongkahoy at panay ang sambit sa pangalan ng kanyang minamahal na si Flerida. Hindi lang si Aladin ang nagmamahal kay Flerida kundi pati na rin ang kanyang ama. Isang mahigpit na karibal ni Aladin ang kanyang ama. Sa paghihimutok ni Aladin na isang moro, ay nagkataon naman na parang sinagot ng langit ang kahilingan ni Florante na nakagapos parin sa puno ng higera upang makalaya.

Kabanata 6


Namangha si Aladin sa narinig na panaghoy ni Florante. Hinanap niya ito at narinig niya ang panambitan ni Florante. Nalaman ni Aladin ang mga himutok ni Florante ang kinahitnan ng buhay nito. Dahil sa kagagawan at kaayukan sa kapangyarihan ni Adolfo naunang namatay ang kanyang ama. Sagad sa buto ang kasamaan ni Adolfo sapagkat pinapugot nito ang ulo ni Duke Briseo. Sa tuwing naiisip ito ni Florante ay pinaghaharian siya ng pangingipuspos sapagkat ang kanyang ama ay likas na mapagkalinga at mabait. Si Duke Briseo ang salamin ng kabaitan at iginagalang ng buong reyno.

Kabanata 7


Sa panangis ni Florante, nalaman ni Aladin ang kinasapitan ng kanyang ama. Si Aladin naman ay buhay nga ang kanyang ama ngunit ito naman ang kanyang mahigpit na karibal sa pagmamahal. Ito ang nagbibigay sa kanya na di matingkalang sukal ng loob.

Kabanata 8


Patuloy parin ang pagnanangis ni Florante na ang puso ay halos na madurog na sa matnding pagseselos. Nasa ganitong siyang kalagayan ng lumapapit sa kanya ang dalawang mababangis na leon na handang siyang lapain sa anumang oras. Ang mga ito ay bigla na lamang natigilan at parang tinatanya yung papaano sasakmalin si Florante. Sa pagkaka-alam ni Florante ay anumang sandali ay matatapos na ang kanyang buhay. Ito ang dahilan niya kung bakit namamaalam na siya sa bayang nagpabaya sa kanya matapos na ito ay kanyang paglingkuran. Isinama rin niya sa kanyang pamamaalam ang kanyang mahal na si Laura na sa kanyang palagay ay naging magdaraya at kay Adolfong malupit.

Kabanata 9


Sinundan ni Aladin ang narinig niyang nanaghoy na boses. Sa pamamagitan ng kanyang hawak na tabak, pumunta siya sa landas na patungo sa kinaroroonan ng boses. Nakita niya na ang dalawang leon ay handa ng lapain si Florante. Nilabanan ni Aladin ang dalawang leon at tumimbuwang na walang buhay ang mga iyon. Pinutol ni Aladin ang mga tali ni Florante na nangangalay na sa pagkagapos sa puno ng higera. Ilang saglit lang dahan dahan na inimulat ni Florante ang kanya mga mata na patuloy parin sa pag bigkas sa pangalan ni Laura. Sa ikalawa nitong pagmulat ng mata, ay napasino niyang isang moro o si Aladin ang nagligtas sa kanya. Sinabi ni Aladin na bagamat magkaiba sila ng pananampalataya, sila ay saklaw pareho ng sa batas ng langit o ng Diyos. Nagkahulihan sila ng loob. Ipinaliwanag ni Florante na hindi awa ang kanyang hinihingi kundi kamatayan dahil sa mga kahapisang dumating sa kanyang buhay.

Kabanata 10


Pinangko ni Aladin si Florante. Nilapag ni Aladin si Florante sa isang malapad at malinis na bato. Kinuha niya ang kanyang baon at pilit na pinakain si Florante. Pagkakain, nakatulog muli si Florante sa sinapupunan ni Aladin dahil sa kapagalan. Kapag naalimpungatan o nagigising si Florante, ang himutok ay parang tinik na tumutusok sa dibdib ni Aladin. Nang magising si Florante ay ganao na itong malakas. Niyakap ni Aladin si Florante ng may paggalak at sila ay umupo sa punong kahoy. Isinalaysay nito ang persol na buhay. Sinabi ni Florante na ang kanyang ama ay si Duke Briseo na tagapayong opisyal ng hari ng Albanya. Ang kanyang ina naman ay si Prinsesa Floresca. Bata pa siya, ang tawag sa kanya ng kanyang ama ay Florante na tinaglay niya hanggang sa paglaki. Sinabi niya rin noong siya ay sanggol pa lamang ay muntik na siyang madagit ng isang buwitre ngunit dumating ang kanyang pinsan na si Menalipo na taga Epiro at tinudla ang ibon at namatay. Isang araw naman, nagsisimula pa lamang siyang maglakad sinambilat ng isang aiko ang kupidong diyamante na nakasabit sa kanyang dibdib. Siyam na taon naman siya, ang libangan niya ay magpunta sa burol. Tumudla ng hayop at namamana ng ibon. Tuwing umaga, naglalakad siya para maglibang sa tabi ng gubat hanggang sa katanghaliang tapat. Nakakadama siya ng kaligayahan kapag nasasagap niya ang handog na kagandahan ng parang.

Kabanata 11


Patuloy parin ang pagkukuwento ni Florante tungkol sa kanyang buhay. Kapag siya ay nasa bundok at nakakakita ng hayop, walang mintis niya itong natutudla. Nag-aagawan pa sa pagdampot ang akanyang mga kasama sa napapatay na ibon. Kapag pagod na siya sa panunudla pupunta ito sa tabi nng bukal at mananalamin sa linaw ng tubig. Inihalintulad din niya ang isang nilalang sa isang munting halaman. Na sa isang saglit na hindi nadilig ay malalanta agad. Sa lahat ng layaw na ipinatikim sa kanya ng kanyang ama, ay nagising nalamang siya sa katotohanan nang ipadala siya sa Atenas upang mag-aral. Dito siya nagkaroon ng isang guro na inilarawan niyang marunong na si Antenor na buhat sa lahi ng Pitako.

Kabanata 12


Kapag nalulungkot si Florante sa tuwing siya ay nag-aaral. Kinakalinga siya ni Atenor. Naging kaklase ni Florante si Addolfo na ubod ng kabaitan. Sa pagdaraan ng mga araw, si Florante ay natuto tungkol sa astrolohiya, pilosopiya, at matematika. Nasapawan ni Florante sa karunungan si Adolfo. Si Adolfo pala ay hindi nagtataglay ng magandang asal at lumitaw ang tunay na ugali nito. Siya ay isang barumbado. Natuklasan ito ni Florante ng magkaroon ng awit, bunong braso at arnis de mano. Sa pagdiriwang, lumitaw ang liksi at karunungan ng bawat mag-aaral.

Kabanata 13


Sa dramang nilabasan nina Florante, Adolfo at Menandro ay muling ipinakita ni Adolfo ang kanyang masamang ugali. Habang sila ay umaarte, si Adolfo ay hindi sumunod sa iskrip at tinangkang patayin si Florante. Tatlong beses niyang inulos ng taga si Florante. Sa tulong ni Menandro, nakaiwas si Florante sa tiyak na kamatayan. Nang matapos ang kasayahan ay napahiya si Adolfo kung kaya�t ipinasya niyang magpunta sa Albanya kinabukasan. Si Florante naman ay nagpatuloy sa pag-aaral. Ngunit, pagkalipas ng isang taon, siya ay nakatanggap ng sulat buhat sa ama na nagbabalitang ang kanyang mahal na ina ay namatay na.

Kabanata 14


Sa ikalawang pagkakataon muli ay nakatanggap muli ng liham si Florante buhat sa kanyang ama kasabay ng sasakyang susundi sa kanya. Nang paalis na siya ay tinagubilinan siya ng kanyang guro na mag-ingat kay Adolfo sapagkat maaring nagpaplano si Adolfo na maghiganti sa kanya. Sumama si Menandro sapagkat pinayagan siya ng kanyang amaing guro. Mabilis ang kanyang sinasakyan. Hindi sila nainip, nakarating sila sa dalampasigan ng Albanya. Nagtuloy sila sa Kinta. Sinalubong sila ng kanyang ama. Kaagad na kumalik sa kamay si Florante sa kanyang ama bilang paggalang. Magkayakap pa sila noong dumating ang sugo ng Krotona.

Kabanata 15


Isinasaad sa liham na iniabot ng sugo kay Duke Briseo na humihingi ito ng tulong para sa Krotonang Reyno na kubkob ni Heneral Osmalik ng Persiya. Nagsadya sina Duke Briseo at Florante sa Palasyo. Inihandog ni Duke Briseo si Florante. Ipinaliwanag nitong si Florante ang mandirigmang kanyang hinahanap at maglalathala sa kapangyarihan at kapurihan ng kanyang trono sa buong sansinukob. Natural lamang di umano na maglingkod siya sapagkat nuno niya ang hari ng Bayang Krotona kung kaya�t nararapat lamang na kumita ng sariling dangal at kabunyian sa digma. Bagamat mapait kay Duke Briseo ng paglilingkod ni Florante, Pumayag na rin ito.

Kabanata 16


Umupo sina Haring Linseo, Duke Briseo, at Florante at isinalaysay ni Florante ang karanasan nito sa Atenas ng mapansin niya ang paglapit na si Laura na anak ni Haring Linceo. Inihalintulad niya si Laura kay Venus, ang diyosa ng kagandahan. Mangyari pa, mabilis si Kupido. Nabihag ni Laura ang puso ni Florante dahil sa iwi nitong kagandahan.

Kabanata 17


Tatlong araw na piniging ni Haring Linceo si Florante bago ito lumakad patungong Krotona upang labanan ang armada ni Heneral Osmalik. Nagkaroon ng pagkakataon si Florante na makausap si Laura bagama�t hindi sumagot ng �oo� si Laura sa iniluluhog ni Florante. Naramdaman niyang ito ay may pagtingin sa kanya dahil bumalong sa mga mata nito ang perlas na luhang nagsilbing pabaon sa kanyang pag-alis. Pagdating nina Florante sa Krotona, malapit na itong mapasakamay ni Heneral Osmalik. Salamat nalamang ay dumating ang hukbo ni Florante. Sa limang oras na pakikipaglaban ni Florante at ni Osmalik ay ipinakita ni Florante ang kanyang galing sa pakikipaglaban at napatay si Osmalik.

Kabanata 18


Hindi solo ni Florante ang paggapi sa mga kalaban, kasama niya si Menandro . Dahil sa kanilang tinamong tagumpay, nagdiwang ang Krotona sa loob ng tatlong araw. Ni hindi natulog ang buong bayan. Nalubos ang kaligayahan ng mga tao ng malaman nilang si Florante ay apo ng hari. Nag-usap sina Florante at ang hari. Kapwa sila dinalaw ng dalamhati ng magunita ang maagang pagkamatay ni Prinsesa Floresca. Pagkaraan ng limang buwan, ninasa ni Florante na magbalik sa Albanya sapagkat sabik na sabik na siyang Makita si Laura. Laking pagkamangha niya nang matanaw niyang nakawagayway ang bandilang Medyaluna ng hukbong pinamumunuan ni Aladin. Kabanata 19


Sa paglalakbay ni Florante, huminto sila sa may paanan ng bundok. Natanaw niya ang isang babaong nakagapos na wari�y puputulan ng ulo. Hindi sila nagaksaya ng panahon at agad na pinntahan ang kinaroroonan ng babae. Bago mapuksa ang mga morong kumuha sa babae, ay kaagad na nagsiakas ang mga ito. Malakas ang kutob ni Florante na ang babarng nakagapos ay si Laura. Hindi nga osya nagkamali sapagkat ng alisin niya ang takip sa mukha ng babae ay si Laura nga ito. Pupugutan siya ng ulo dahil sa pagtatanggi nito sa pag-ibig na iniluluhog ng Emir, ang gobernador ng mga moro. Sa pagtatagpo nina Florante at Laura sa gayong sitwasyon. Kusang nasambit ni Laura ang katagang �O Sintang Florante�. Nilusob ni Florante ang mga moro at hinango niya sa pagkabilanggo ang monarka, Duke Briseo kabilang na ang mga kaganoohang pinangungunahan ni Konde Adolfo. Kahit na alam ni Florante na maraming kasalanan sa kanya si Adolfo ay tinulungan niya parin ito. Dahil dito, binalot ng matinding pagkainggit ang pagkatao ni Adolfo dahil narin sa tinamong tagumpay ni Florante sa pakikipaglamos. Nadagdagan pa lalo ang kanyang inggit ng malaman pa niyang si Florante ay nag-uukol ng gamundong pag-ibig kay Laura.

Kabanata 20


Patuloy na nag-iisip ng paraan si Adolfo kung paano mauutas si Florante. Sa kabilang dako, ilang buwan pa lamang ang nakakaraan, lumusob naman sa Albanya ang mga Turko na pinamumunuan ng bantog na si Miramolin. Nilabanan ni Florante ang hukbo ni Miramolin at ang mga nagtangka pang sumakop sa Albanya . Naipanalo niyang lahat ang kanyang pakikidigma hanggang sa 17 hari ang nagbigay sa kanya ng paggalang dahil sa ipinamalas nitong galing at kadalubhasaan sa paghawak ng kalis. Isang araw bago pa lamang niya natatamo ang biktorya sa Etolya noon, nakatanggap siya ng isang kalatas buhat sa monarka at siya ay ipinauuwi sa Albanya. Umuwi naman siya, ngunit siya ay kinubkob ng may 30,000 kataong pawing sandatahan. Ni hindi niya makuhang makapanlaban. Ang buong katawan niya binidbid ng gapos at ipiniit sa karsel. Kasunod nito nalaman niyang ang hari at si Duke Briseo ay pinatay. Ang may pakana ay si Adolfo. Ang masaklap umabot sa kanyang kaalaman na si Laura ay nangako nang makikipagtalingpuso kay Adolfo. Si Florante ay ikinulong ng may 18 araw at sa kalaliman ng gabi siya ay hinango at ipinugal sa gubat. May dalawang araw siyang nakapugal ng matagpuan niya ang sariling nasa kandungan ni Aladin.

Kabanata 21


Sa pagkakataong ito si Aladin naman ang nagpakilala na siya ay anak ni Sultan Ali-Adab ng kaharian ng Persiya. Isinalaysay na niya ang kanyang buhay. Sa hangarin ng kanyang ama na mapasakamay niya si Flerida, hinatulan siyang pugutan ng ulo dahil sa salang pagtalikod o pag-iwan niya sa hukbong sumakop sa Albanya na nabawi pagkatapos ni Florant. Gayunman, ang pagpugot ay hindi natuloy. Nang dumating ang takdang panahon. Nagbago ng pasya ang sultan. Si Aladin ay pinatawad sa pasubaling huwag na siyang tutuntong sa Persiya. Hindi niya ito minabuti sapagkat mas ninanais niyang kitilan na lamang siya ng sariling buhay kaysa sa maguni-guning niya si Flerida ay nasa kandungan ng ama. Umabot ng anime na taon singkad sina Florante at Aladin naglibot-libot sa gitna ng kagubatan hanggang sa iang araw ay mayroon silang naulinigang mga tinig na nag-aanasan.

Kabanata 22


Napakinggan ng dalawa sa isang nagkukuwentong dilag na dili�t walang iba kungdi si Flerida na kusang inihain nito ang sarili upang mailigtas lamang sa tiyak na kamatayan ang kanyang minamahal na si Aladin. Sa naging pasya ni Flerida, tuwang-tuwa ang sultan kaya�t pinakawalan niya agad si Aladin. Pero, hindi na nakuhang magkausap pa ang dalawa. Nang dumating na ang takdang pag-iisang dibdib ng sultan at Flerida, nagsuot girero ito at sinagasa ang kalaliman ng gabi. Tumakas siya upang hanapin ang kanyang nililiyag na prinsipe. Hanggang sa makatagpo niya ang babaing kausap na si Laura at mailigtas sa tiyak na kapahamakan. Natiyak nina Aladin at Florante na ang nag-uusap na dalawang binibini ay dili�t walang iba kungi ang kani-kanilang kasintahan. Kung kaya�t naputol ang pagsasalaysay ni Flerida sapagkat biglang sumipot sina Florante at Aladin.

Kabanata 23


Sakbibi ng kaligayahan ang apat noong sila ay magkita-kita sa gubat. Ang buong kagubatan ay napuno ng kagalakang sumapuso sa apat. Isinalaysay ni Laura ang mga naganap sa kanyang buhay. Ipinaliwanag niya na ang lahat ng hindi magandang nangyari sa kanya ay sa Albanya ay kagagawan ni Adolfo. Nilason niya ang paniniwala ng mga mamamayan. Napaniwala niya ang taumbayan na gugutumin sila ng monarka. Ito ang dahilan kung bakit nilusob nina Adolfo at kasabwat nitong mga sundalo ang kaharian. Pinugutan nila ng ulo ang hari kasama pati ang buong konseho nito. Kapagdaka�y si Adolfo ang lumuklok bilang hari. Binalaan niya si Laura na kung hindi ito magpapakasal sa kanya. Ito ay kanyang ipapatay. Humingi ng palugit si Laura na pag-isipan niya ang alok ni Adolfo sa loob ng limang buwan. Ito ay upang makapagpadala siya ng lihim na kalatas kay Florante na nasa Etolya. Desididong kitlin ni Laura ang sariling buhay kung hindidarating si Florante. Gayunman, ang sulat ni Laura ay naunahan ng sulat ni Adolfo na kunwa�y buhat sa hari at pinapauwing mag-isa si Florante. Nag-aalala si Adolfo na mayroong dalang hukbo si Florante. Kung kaya�t nang ito ay dumating ay kagyat na pinakubkob at ipinatapon sa kagubatan. Sa kabilang dako, ang nakatanggap sa sulat ni Laura ay si Menandro. Dagli-dagling nilusob ni Menandro ang Albanya nang malaman niya ang kinasapitan ni Laura. Nadaig niya ang hukbo ni Adolfo. Sa takot ni Adolfo na mautas, tumakas siya tangay si Laura patungo sa gubat. Tinangka ni Adolfo na ilugso ang puri ni Laura ngunit bago niya nagawa ito inutas siya ng palasong nagmula kay Flerida. Tapos ang maliligayang araw ni Adolfo.

Kabanata 24


Dumating si Menandro na kasama ang kanyang buong hukbo. Nasisiyahan siya sa naging takbo ng mga pangyayari sapagkat sa kanyang pagtugis kay Adolfo, natagpuan niya si Florante. Nagdiwang ang ehersitong mula sa Etolya dahil sa pagkakahirang ni Florante bilang hari na ng Albanya. Gayundin naman abaot-langit ang pasasalamat ni Laura sapagkat hindi na sila maghihiwalay ni Florante. Siya ang naging prinsesa sa buhay ni Florante. Sa pagiging hari ni Florante, nagbalik ang katahimikan sa kaharian. Siya ay isang pinunong hindi hayok at sa halip, kagaya ng ama nito, siya ay salamin ng kabutihan. Na siayng dapat na maging katangian ng sinumang namumuno. Sina Aladin at Flerida ay tumalikod sa kanilang kinagisnang pananampalataya. Sila ay pumayag na pabinyag. Ikinasal sina Florante at Laura at Aladin at Flerida. Wala ng tinik sa dibdib nina Aladin at Flerida sapagkat namatay na si Sultan Ali-Adab.

WAKAS